Seniors’ Retreat: Part 2
NOVEMBER 19. MORNING.
yown. maaga ko nagising dahil din dun sa mga iba na excited maligo. mga 4:30 pa lang ata, naliligo na sila e!
ung laughtrip. ung isa kong tropang lalaki na adik sa volleyball, tapos nung mga madaling araw, bigla siya sumigaw ng “ako din!” grabe! buong kwarto namin tumatawa dahil sa kanya! haha :D at di lang un ung eksena niya! sabi nila, bigla din daw umupo un tapos nag-spike/nag-serve habang tulog! garabeeee di ba!! haha :D
un, tas mga 5:00 nagising na lahat. syempre nung nagpaliguan na, isa ko sa mga last na nakapagshower. ganun talaga! ang gulo kasi pag sumabay pa ko dun sa iba! :D
nung nakaayos na lahat, baba na kami dun sa may dining area tapos kain na ng breakfast. bastos ung omelet parang walang asin e! sobrang tabang!! pero masarap ung hotdog/sausage ewan!! ahahaha :D epic fail din kasi ung coffee para lang sa mga teachers, e coffee ang iniinom ko sa umaga e! di naman milo! may share pa pala ko. di ako masyado umiinom ng tubig noon, kasi may ibang lasa ung tubig dun sa pitcher & dispenser sa may dining area kaya dun ako sa may drinking fountain umiinom.
pagkatapos kumain ng breakfast, may konting free time para mag picture-picture uli before kami mag attend ng mass. (may mass kasi ung mga Catholics nun) Siyempre, the official photographer again!! ahahaha :D ba’t ba! F na F ko talaga ung slr niya e. :D
pagkatapos nung mass, parang free time na lang kasi nag-assembly na lang kami dun sa may conference hall tapos wala ng ginagawa. lokohan na lang. trip-trip. :D at dahil free time na, picture-taking na uli! ahahaha.
- may picture kami buong fourth year na sumama sa retreat. yan oh! vvv

adik! effort yan! pumila pa kami by height tapos inarrange, “ikaw dun ka! psst! oy! dun ka sa kabila!” ung mga ganyang eksena para lang makuha lahat. haha :D
hinahanap niyo ko? ako ung may kakaibang suot jan! haha medyo uncommon ung suot ko e. :D
ang tagal kasi dumating nung mga van kaya ayan! kung ano anong picture pa pinaggagagawa namin/nila. :D
- eto naman ung picture nung dinner namin. vvv wala lang, share ko lang. :D
- o, eto na ung 3/4 na teacher na kasama namin, umuwi kasi ung isa naming kasamang teacher na nag-lecture din samin. yan. tatlo lang tuloy sila. :D

angas! lahat nakapanglamig na suot tapos nung pagdating namin sa Imus wala na, ang init na! sobra!! ahahaha fail na lahat nung mga suot namin! hindi pala lahat, karamihan lang. :D
…at dun nagtatapos ang aming bitin pero masaya at super memorable na retreat. :D